Oktubre 25, 2017—Magkahiwalay na nagpadala ng mensaheng pambati sina Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), at Bounngang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), sa pagkahalal ni Xi Jinping bilang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Nguyen na naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ng CPC, sa pangunguna ni Xi, maisasakatuparan ng CPC at mga mamamayang Tsino ang mga target ng sosyalistang modernisasyon sa lalong madaling panahon.
Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Bounngang Vorachith na naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ng CPC, matatmo ng mga mamamayang Tsino ang mas malaking bunga sa pambansang kaunlaran at titingkad ang mas malaking papel ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan, kooperasyon at kaunlaran ng rehiyon at buong daigdig.