Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, mahalaga para sa Estados Unidos

(GMT+08:00) 2017-10-27 10:39:47       CRI

 

AMBASSADOR SUNG Y. KIM, HUMARAP SA FOCAP. Makikita sa larawan si US Ambassador to the Philippines Sung Y. Kim sa unang pagkakataong makasama ng FOCAP. Problema sa schedule ang dahilan kaya't 'di makadadalo si Pangulong Trump sa ASEAN - US Commemorative Summit sa Nobyembre sublet mag-uusap sila ni Pangulong rodrigo Duterte. (Melo M. Acuna)

 

NANANATILING mahalaga ang Pilipinas sa Estados Unidos at walang katuturan ang mga pananaw na nagsasabing tinalikdan na ng America ang Pilipinas.

Ito ang sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Y. Kim na humarap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) kanina. Sinabi ni Ambassador Sung Kim na sa pagdalaw ni Pangulong Donald Trump sa susunod na buwan ay magkakaroon ng magandang pag-uusap na magaganap kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagpapatunay ng pagpapahalaga ng America sa Pilipinas ang pagdalaw ni US Secretary of State Rex Tillerson at US Pacific Command chief Admiral Harry Harris, Jr. noong nakalipas na Agosto. Dumalaw din sa Pilipinas si Defense Secretary James Mattis at lumahok sa ASEAN Defense Ministers Meeting - Plus sa idinaos sa Clark Air Base sa Pampanga.

Idinagdag ni Ambassador Sung Kim na paguusapan ng dalawang pangulo ang mga naganap sa Mindanao at iba pang isyu sa bansa at sa rehiyon. Makakasama marahil sa usapan ang nagaganap sa Korean Peninsula at mga paraan upang higit na mapalakas ang relasyon ng America at Pilipinas.

Sa tanong kung makakasama sa mga paksa ang Karapatang Pangtao, sinabi ni Ambassador Sung Kim na mahalaga ang paksang ito sa America. Maliwanag sa mga pahayag nina Secretary of State Tillerson at iba pang opisyal sa Washington na kinikilala nila ang human rights, rule of law at due process at binibigyang halaga at isinusulong nila ang mga adhikaing ito.

Kinikilala rin ng America ang isyu ng droga sa Pilipinas at nauunawaan nila kung bakit seryoso ang pamahalaang malutas ito. Nababahala lamang sila sa mga paraan kung paano ipinatutupad ang kampanya laban sa droga at nabanggit na nila ito sa liderato ng Pilipinas at nauunawaan naman umano ang kanilang pagkabahala.

Wala umanong kondisyon ang kanilang mga tulong na idinadaan sa USAID ayon na rin sa matagal na kasaysayan ng pagtutulungan ng dalawang bansa. Ito rin ang dahilan kaya't hindi na nila itinuloy ang pagkakaloob ng nakamamatay na sandata sa Philippine National Police na siyang nangunguna sa anti-illegal drug campaign.

Ang kanilang tulong sa Armed Forces of the Philippines ay sa pamamagitan ng pagsasanay, kagamitan at pagbabahaginan ng intelligence upang makatugon sa mg trahedya at iba pang kalamidad.

Magpapatuloy umano ang kanilang pagbibigay ng mga bala, baril, rubber patrol boats sa Pilipinas.

Pinabulaanan din ni Ambassador Sung Kim ang balitang may programa na ang Central Intelligence Agency na pabagsakin ang pamahalaan ni Pangulong Duterte. Nagwagi sa maayos na halalan si Pangulong Duterte at iginagalang ng kanyang bansa ang desisyon ng mga Filipino. Nakatuon na lamang ang kanyang pansin sa mga positibong nagaganap sa Pilipinas, dagdag pa ng ambassador.

Sa tanong kung gaano kabigat ang problemang maidudulot ng terorismo, sinabi ni Ambassador Sung Kim na nananatiling panganib para sa bansa at maging sa mga kalapit bansa ang mga teroristang tulad ng mga nagparamdam sa Marawi City. Upang masugpo ang mga ito, kailangang matulungan ang mga nagsilikas na makabalik sa kanilang mga tahanan.

Natutuwa umano sila na walang anumang pang-aabusong nabalita sa mga operasyong ginawa ng mga kawal ng Pilipinas sa Marawi City.

Sa papel ng Tsina sa rehiyon, sinabi ni Ambassador Sung Kim na umaasa siyang mananatiling responsableng lider sa Asia Pacific region ang maunlad na bansa sa ilalim ni Pangulong Xi Jinping.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>