Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SPECIAL REPORT: TSINA, HIGIT NA MATATAG

(GMT+08:00) 2017-10-27 10:43:19       CRI

 

Si dating Finance Secretary Roberto de Ocampo ng Pilipinas 

NANINIWALA si dating Finance Secretary Roberto de Ocampo na maganda ang kinabukasan ng relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina matapos ang ika-19 na National Communist Party Congress noong Martes, ika-24 ng Oktubre.

Sa isang panayam, sinabi ni G. De Ocampo na naging pangulo rin ng Asian Institute of Management, na lagi siyang namamangha sa pagpapatuloy ng mga palatuntunan ng pamahalaan sinuman ang maluklok sa poder.

Nakatitiyak umano siyang magpapatuloy ang mga programa sa larangan ng ekonomiya. Kabilang sa mga programa ng pamahalaang Tsino ang pagtulong sa pagpapalakas ng mga ekonomiya ng mga bansang daraanan ng "One Belt, One Road" tulad umano ng Pilipinas na nangangailangan ng pagawaing-bayan. Sa programang ito, ayon kay Secretary de Ocampo, higit nauunlad ang mga bansa sa rehiyon.

Hinggil sa pagtutunggali ng Estados Unidos at Tsina sa South China Sea, sinabi ni G. De Ocampo na magandang pagkakataon ito upang makapag-usap at magamit ang diplomasya sapagkat magkahalintulad ang interes ng America at Tsina kaya't nararapat na walang maganap na anumang 'di pagkakaunawaan o digmaan.

Ani G. De Ocampo kung noo'y nasanay ang Estados Unidos na sila lamang ang naglalayag sa South China Sea, nararapat nang tanggaping makakasabay na nila sa karagatan ang umuunlad ng bansang Tsina.

Maganda rin ang dalang pagkakataon ng "One Belt, One Road" ng Tsina. Malawak umano ang potensyal nito sa Southeast Asian countries na dadaanan ng makabagong programa ng Tsina.

Kagagaling pa lamang niya sa Washington at nakausap niya ang ilang mga dating pinuno ng iba't ibang bansa sa Cental Asia na pawang nagmamasid sa mga programa sa ilalim ng "One Belt, One Road."

Sa oras na madama ang kaunlaran sa mga bansang matutulungan ng OBOR, tiyak na uunlad ang Asia at mangunguna na sa larangan ng kaunlaran sa daigdig.

Sa tanong kung ano ang kalakaran ng Pilipinas sa larangan ng ugnayang panglabas (foreign affairs), higit umanong maganda na magpatuloy ang "independent foreign policy" ng Pamahalaang Duterte sapagkat makikinabang ang bansa sa pakikipag-kaibigan sa iba't ibang mauunlad na lipunan tulad ng Tsina, America at maging ng Russia.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>