NASA ilalim ng "full alert" ang buong Philippine National Police para sa pagunita ng Todos Los Santos and All Souls Day mula sa unang araw hanggang sa ikalawang araw ng Nobyembre.
Sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa na bawat rehiyon ang magdedeklara ng kanilang full alert para sa taunang pagunita ng Todos Los Santos. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na flag-raising ceremonies sa Campo Crame kaninang umaga. Walang papayagang magbakasyon sa mga tauhan ng pulisya, dagdag pa ni G. Dela Rosa.
Hightened alert status naman ang nakadeklara sa punong tanggapan ng Philippine National Police na nangangahulugan na 50% ng mga tauhan ang nakahandang ipadala sa alinmang pook sa labas ng kampo sa oras na magkaroon ng pangangangailangan.
Ito rin ang kalakaran sa mga tanggapan ng pulisya. Kailangang handang maglingkod ang mga pulis kahit pa tapos na ang kanilang regular na trabaho. Inatasan na rin niya ang kanyang mga tauhan na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya at tahanan.
Tradisyon ng mga Filipino na dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga yumao sa unang dalawang araw ng Nobyembre.