|
||||||||
|
||
DEKLARADONG walang pasok sa lahat ng antas ng mga paaralan sa Maynila ngayong Lunes tulad rin ng mga tanggapan sa Manila City Hall upang mabigyanng pagkakataon ang mga amamayang maghanda ng mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay para sa Todos los Santos sa darating na Miyerkoles, unang araw ng Nobyembre.
Deklarado ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang suspensyon ng pasok sa paaralan sa maging sa Manila City Hall.
HANDA NA ANG LA LOMA CEMETERY. Ayon kay Fr. Ric Torrefiel, Administrador ng La Loma Cemetery sa Caloocan City, halos 139,000 ang labing nakalibing sa kanyang nasasakupan. Mahigpit ang securidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa Todos Los Santos. (Melo M. Acuna)
Samantala, sinabi ni Fr. Ric Torrefiel, ang paring nangangasiwa sa La Loma Cemetery na saklaw ng Diocese of Kalookan na mahigpit na ipinagbabawal ang mga inuming nakalalasing, malalakas na instrumento, gamit sa pagsusugal at mga nakasusugat at nakamamatay na sandata sa lahat ng mga dadalaw sa kanilang mga yumao mula ngayong araw na ito hanggang sa unang walong araw ng Nobyembre.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Fr. Torrefiel na may lawak na 42 ektarya ang La Loma Cemetery sa panig ng C-3 na saklaw ng Kalookan diocese. Karaniwan umanong namamali ang mga mamamayan sa pag-aakalang iisa ang Manila North Cemetery at La Loma Cemetery. Niliwanag ni Fr. Torrefiel na isang civil engineer bago naging pari na umaabot sa halos 139,000 ang nakalibing sa huling hantungan na kanyang pinangangasiwaan.
MGA BIKTIMA NG TOKHANG DUMUDULOG SA SIMBAHAN. Walang mapuntahan ang mga biktima ng Tokhang na ipinatupad ng pulisya hanggang kamakailan. Ito ang sinabi nina Fr. Mars Carabio at Diony Cabillas ng Iglesia Filipino Independiente sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina. Niliwanag nilang hindi tutol ang kanilang simbahan sa pagsugpo ng droga subtilt kailangang igalang ang karapatang pangtao, due process at rule of law. (Melo M. Acuna)
Sa panig ni Fr. Diony Cabillas at Fr. Mar Carabio ng Iglesia Filipina Independiente, nahaharap sila sa mga humihingi ng katarungan sapagkat ang mga nabibiktima ng "Oplan Tokhang" ay 'di makatanggap ng tulong mula sa mga opisyal ng barangay.
Ikinalungkot nila na ang mga barangay tanod at opisyal ng barangay ang nagtuturo ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga kahit pa walang katotohanan at ibayong pagsisiyasat.
Niliwanag ng dalawang pari na hindi tumututol ang kanilang simbahan sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga. Ang ikinababahala lamang nila ay ang paraan ng paglutas ng problema na ikinasasawi ng mga pinaghihinlaan.
Mahalaga umanong igalang ang karapatang pangtao, ang due process at ang pamamayani ng mga itinatadhana ng batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |