Isinapubliko kamakailan ng pamahalaan ng Malaysia ang 2017-2018 National Economic Report.
Nang mabanggit ang "Belt and Road Initiative," sinabi sa report na bibigyan nito ang Malaysia ng malaking pagkakataong komersyal sa pagtatatag ng bagong pamilihan, pagbebenta ng local products, pagpapasok ng mga pondong dayuhan, at iba pa. Samantala, ibayo pa anitong mapapabuti ang serbisyo ng logistics industry, mapapataas ang episyensiya ng pinansya, mapapalawak ang pagkakataon ng paghahanap-buhay, at mapapasulong ang pagpapalitang kultural.
Ayon pa sa report, lumampas sa 850 bilyong Ringgit ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Malaysia at mga bansa't rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road, noong 2016.
Tataas pa ang naturang bilang sa hinaharap, dagdag ng report.