Martes, Oktubre 31, 2017, matagumpay na idinaos sa South China Sea ang joint maritime rescue drill ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito ang pinakamalawak sa kasaysayan ng relasyong Sino-ASEAN. Ang nasabing proyekto ay bahagi ng pragmatikong kooperasyong pandagat ng iba't ibang panig sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
Ipinahayag ni He Jianzhong, Pangkalahatang Komander ng Pagsasanay at Pangalawang Ministro ng Transportasyon ng Tsina, na dapat gawing pagkakataon ng Tsina at ASEAN ang kasalukuyang pagsasanay, para hanapin ang pagtatatag ng modelo ng kooperasyon sa paghahanap at pagliligtas sa dagat, at ipagkaloob ang mas magandang serbisyo at garantiya sa aspektong ito sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Kalahok dito ang mga kinatawan ng mga kinauukulang organo at puwersa ng paghahanap at pagliligtas sa dagat mula sa 7 bansang kinabibilangang ng Tsina, Pilipinas, Thailand, Kambodya, Myanmar, Laos at Brunei.
Salin: Vera