|
||||||||
|
||
Siem Reap, Cambodia — Ginanap ang Ika-11 China-ASEAN Forum on Social Development and Poverty Reduction mula ika-25 hanggang ika-27 ng Hulyo. Dumalo rito ang mahigit 120 personaheng kinabibilangan ng mga opisyal, eksperto at iskolar mula sa Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kinatawan ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Tsino, at kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig. Tinalakay nila ang mga temang tulad ng inobasyon at matagumpay na praktis ng Tsina at mga bansang ASEAN sa ideya at patakaran sa pagbabawas ng karalitaan, pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN sa pagbabawas ng karalitaan, at pagsasakatuparan ng Tsina at mga bansang ASEAN ng 2030 Sustainable Development Goals.
Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang kooperasyong Sino-ASEAN sa pagbabawas ng karalitaan. Saklaw ng larangang pangkooperasyon ng dalawang panig ang maraming aspektong gaya ng malayalang sonang pangkalakalan, berdeng enerhiya, at kooperasyong pangkultura. Pinag-aralan at binigyan ng lubos na pagpapahalaga ng mga bansang ASEAN ang ideya at karanasan ng Tsina sa pagbabawas ng karalitaan.
Ngunit, kinakaharap pa rin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mahigpit na hamon sa larangan ng pagbabawas ng karalitaan at pag-unlad ng lipunan. Kabilang sa mga hamon ay ang malaki pa ring saklaw ng mahirap na populasyon, pagpapabuti ng estratehiya at modelo ng pagbabawas ng karalitaan, at problema sa sistemang panlipunan at pangkabuhayan. Ipinalalagay ng mga kalahok na ang patuloy na pagpapabuti ng sistema at estratehiya ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng kani-kanilang bansa, at pagpapalakas ng pandaigdigang pagtutulungan at pagpapalitan sa usaping ito, ay nananatili pa ring komong tungkuling magkakasamang kinakaharap ng Tsina at komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |