|
||||||||
|
||
Ito ang ipinahayag nina Nguyen Phu Tron, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Song Tao, dumadalaw na Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na si Xi Jinping.
Sina Nguyen Phu Tron, Pangkalahatang Kalihim ng CPV at Song Tao, dumadalaw na Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC
Nagsadya sa Vietnam si Song, Puno ng International Liaison Department ng CPC Central Committee, para ipaalam sa panig Biyetnames ang hinggil sa katatapos na Ika-19 na CPC National Congress.
Sa kanilang pagtatagpo, ipinaabot ni Song ang mensahe ni Xi na nagsasabing kailangang pakitunguhan ng Tsina at Vietnam ang espesyal na kahalagahan ng relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na pananaw at mas malalim na lebel para ibayo pang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon at adhikaing sosyalista ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trong ang pasasalamat sa mensahe ni Xi. Sinabi niyang mahigpit na sinubaybayan at hinangaan ng Vietnam ang natamong bunga sa katatapos na Pambansang Kongreso ng CPC. Binati rin niya si Xi sa muling pagkakahalal bilang pangkalahatang kalihim ng CPC Central Committee at sa paglakip sa mga pumapatnubay na prinsipyo ng CPC ng Ideya ni Xi hinggil sa Sosyalismong May Katangiang Tsino para sa Bagong Panahon. Nakahanda aniya ang Vietnam na makiisa sa Tsina para mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |