Beijing, Miyerkules, Oktubre 18, 2017—Malaking pansin ang ibinuhos ng media ng Biyetnam sa pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Kabilang sa mga ito ang VnExpress, official website ng Vietnam News Agency, at Tuoi tre Newspaper. Binigyang nila ng positibong pagtasa ang natamong tagumpay ng Tsina sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Ipinalalagay nilang napakahalaga ng katuturan ng pagdaraos ng kasalukuyang pulong, at papatnubayan nito ang direksyon para sa pag-unlad ng Tsina.
Salin: Vera