Ipinahayag Oktubre 17, 2017 ni Hu Suojin, Commercial Counsellor ng Embahadang Tsino sa Biyetnam na ang pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam sa produktibong kakayahan ng photovoltaic products ay makakatulong sa pagpapataas ng kalidad at lebel ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Winika ito ni Hu sa seremonya ng inagurasyon ng Photovoltaic Industry Association ng Vietnam-China Chambers of Commerce and Industry.
Sinabi ni Hu na noong unang 9 na buwan ng taong ito, lumampas sa 1.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa Biyetnam. Aniya, ang mas maraming pamumuhunan ng mga Chinese high-tech enterprises sa Biyetnam ay makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalwang bansa.
Ipinahayag ni Ginoong Yang Yongzhi, kauna-unahang puno ng nasabing asosasyon na ang karanasang natamo ng mga bahay-kalakal na Tsino sa photovoltaic products ay makakatulong sa matatag na pag-unlad ng pamilihan ng Biyetnam.