|
||||||||
|
||
Di-kukulangin sa 26 katao ang napatay sa pamamaril nitong nagdaang Linggo, Nobyembre 5, 2017, sa First Baptist Church sa Sutherland Springs, Texas, Estados Unidos.
Ang mga biktima ay nasa edad mula pa 5 taong gulang hanggang 72 taong gulang. Sinabi ni Greg Abbott, Gobernador ng Texas na ito ang pinakamadugong mass shooting sa kasaysayan ng estado.
Ang 26 na taong gulang na salarin, na kinilala bilang si Devin Kelley. Pumasok siya sa nasabing simbahan at nagpaputok mga alas-11:30 ng umaga (local time) habang idinaraos ang Sunday Services. Napatay ang suspek pagkaraan ng nasabing madugong pangyayari.
Ang mga detalye ng pamamaril ay iniimbestigahan pa rin ng kapulisan.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Pangulong Donald Trump na kasalukuyang dumadalaw sa Hapon na "Nawa makapiling ng Diyos ang mga mamamayan ng Sutherland Springs, Texas. Nandoon na sa pinangyarihan ang FBI at iba pang alagad ng batas. Nagmomonitor ako ng situwasyon mula sa Hapon."
Mga miyembro ng FBI habang nasa lugar na pinangyarihan ng pamamaril sa Sutherland Springs of Texas, United States, Nov. 5, 2017. (Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |