Da Nang, Biyetnam — Mula Nobyembre 6 hanggang 11, 2017, idinaraos ang Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa taong 2017. Ipinahayag kamakailan ni Vu Tien Loc, Presidente ng Vietnam Chamber of Commerce and Industry (VCCI), na sa panahon ng nasabing pulong, ang diyalogo sa pagitan ng mga lider ng mga kasapi ng APEC at mga bahay-kalakal ay magdudulot ng tunguhin ng bagong round ng reporma, pamumuhunan, at reporma.
Dagdag pa niya, umaasa ang Biyetnam na sa ilalim ng balangkas ng APEC, ibayo pang mapapalalim ang pakikipagkooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina. Umaasa rin aniya ang kanyang bansa na magiging mas maraming bahay-kalakal na Tsino ang mamumuhunan sa Biyetnam.
Salin: Li Feng