Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pangulong Tsino at Amerikano, magkasamang humarap sa mga mamamahayag

(GMT+08:00) 2017-11-10 08:46:26       CRI

Great Hall of the People, Beijing — Magkasamang humarap Huwebes, Nobyembre 9, 2017, sa mga mamamahayag sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 2 araw na nakalipas, malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan. Narating aniya ng dalawang panig ang isang serye ng bagong komong palagay hinggil sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Naging konstruktibo ang kanilang pagtatagpo at nakuha ang malaking bunga, aniya pa.

Nang mabanggit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ani Xi, ipinalalagay ng dalawang lider na bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaidig, dapat palakasin ng Tsina at Amerika ang kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhunan, at dapat ding pasulungin ang malusog, matatag, at balanseng pag-unlad ng kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Kaugnay ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, tinukoy ng pangulong Tsino na inulit ng dalawang panig na buong tatag na magsisikap para maisakatuparan ang target na walang-nuklear na Korean Peninsula at mapangalagaan ang sistema ng di-pagpapalaganap ng sandatang nuklear sa daigdig.

Ipinagdiinan pa ni Xi na ang ginawang state visit ni Pangulong Trump sa Tsina ay isang matagumpay at historikal na biyahe. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano, upang mapasulong pa ang relasyong Sino-Amerikano at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.

Ipinahayag naman ni Trump na sa kasalukuyan, may walang-katulad na magandang pagkakataon ang Amerika at Tsina sa pagpapalakas ng kanilang bilateral na relasyon. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na paunlarin kasama ng panig Tsino, ang pantay, may mutuwal na kapakinabangan, at malakas na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>