|
||||||||
|
||
Great Hall of the People, Beijing — Sa pag-uusap Huwebes, Nobyembre 9, 2017, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, malawakan at malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Ipinalalagay ng dalawang panig na sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, natamo ng relasyong Sino-Amerikano ang mahalagang progreso, Anila, ang relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang may kaugnayan sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan, kundi maging sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng buong mundo. Ang kooperasyon anila ay tanging tumpak na pagpili ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan din nila na patuloy na patingkarin ng leaders diplomacy ang namumunong papel sa relasyon ng dalawang bansa, at palakasin ang kanilang pagpapalagayan sa iba't-ibang antas.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano upang makapagbigay ng mas maraming benepisyo, hindi lamang sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi sa mga mamamayan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Ipinahayag naman ni Trump na ang kooperasyong Amerikano-Sino ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya siyang panatilihin ang mahigpit na pagkokoordinahan nila ni Xi upang mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa at ang kanilang kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig.
Inulit din ng dalawang panig na magsisikap para mapasulong ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyong Asya-Pasipiko. Magsisikap anila ang dalawang bansa para maisakatuparan ang target na walang-nuklear na Korean Peninsula.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |