|
||||||||
|
||
Great Hall of the People, Beijing — Dumalo at nagtalumpati Huwebes, Nobyembre 9, 2017, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa seremonya ng pagpipinid ng China-US Business Exchange.
Tinukoy ni Pangulong Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagpapalabas ng Tsina at Amerika ng "Komunike ng Shanghai." Aniya, nitong 45 taong nakalipas, naisakatuparan ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa ang kaunlarang historikal, bagay na nakakapaghatid ng napakaraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Sinabi ni Xi na malawak ang prospek ng pagpapalawak ng ganitong kooperasyong Sino-Amerikano. Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at pinakamalaking maunlad na bansa, mas malaki ang pagkokomplemento ng kabuhayang Sino-Amerikano kaysa kompetisyon.
Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na kasunod ng mabilis na paglaki ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, di-maiiwasang lumitaw ang ilang pagkakaiba ng dalawang bansa. Dapat maayos na hawakan ang mga ito sa pamamagitan ng diyalogo, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Trump na may malawakang komong palagay ang Amerika at Tsina sa mga larangang gaya ng kabuhayan, at seguridad. Aniya, ang pagpapalawak ng dalawang bansa ng kanilang kooperasyon ay nakakabuti sa kanilang sariling pag-unlad. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na patuloy na palakasin kasama ng panig Tsino, ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |