Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inobasyon, pagbubukas, inklusibong pag-unlad para sa bagong round ng pandaigdig na kasaganaan, ipinagdiinan ni Pangulong Xi sa Ika-25 APEC Economic Leaders' Meeting

(GMT+08:00) 2017-11-12 03:56:24       CRI
Da Nang, Vietnam—Natapos dito Sabado, Nobyembre 11, 2017, ang dalawang araw na Ika-25 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na may temang "Creating New Dynamism, Fostering a Shared Future."

Sa kanyang talumpati sa nasabing pulong, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalahagan ng inobasyon, pagbubukas, at inklusibong pag-unlad para maisakatuparan ang bagong round ng pandaigdig na kasaganaan. Ipinangako rin ni Xi na kasabay ng ibayo pang pag-unlad at pagbubukas ng Tsina, mag-aambag ang bansa ng mas malaki para sa kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina

Iminungkahi ng pangulong Tsino sa mga kalahok na dalawampu't isang miyembro ng APEC na pasulungin ang inobasyon bilang malakas na puwersang pangkaunlaran. Ipinaliwanag niyang kailangang samantahahin ang plataporma ng APEC para pasulungin, kapuwa ang inobasyong panteknolohiya at inobasyong pansistema. Hiniling din niya sa mga miyembro ng APEC na magkakasamang ipatupad ang roadmap para sa Internet at digital economy na itinakda ngayong taon.

Hinimok din ni Pangulong Xi ang mga miyembro ng APEC na patuloy na magbukas ng kani-kanilang kabuhayan para makalikha ng mas malawak na espasyo para sa kaunlaran. Ipinagdiinan niya ang kahalahagan ng pagtatatag ng Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP) para maisakatuparan ang bagong round ng kasaganaan ng rehiyon sa pamamagitan ng pagbubukas. Sinabi ni Xi na ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas. Kaya, ipinangako niyang ibayo pang magbubukas ang Tsina at magdudulot ito ng mas maraming kapakinabangan para sa buong mundo.

Family photo ng APEC

Sumang-ayon ang mga kalahok na lider na sa kasalukuyan, umaahon ang kabuhayang pandaigdig, ngunit umiiral pa rin ang mga panganib at hamon. Dapat anilang pasulungin ng iba't-ibang panig sa rehiyong ito ang konstruksyon ng konektibidad, pasulungin ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan, at pabilisin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Inulit din nilang dapat katigan ang sistema ng multilateral na kalakalan, at palakasin ang inklusibong pag-unlad. Inilabas ng pulong ang deklarasyon. Ang APEC na binubuo ng 21 miyembro na kinabibilangan ng Tsina at Pilipinas ay itinatag noong 1989. Ang populasyon ng APEC ay umaabot sa 40% ng populasyon ng daigdig. Nakalikha ito ng 60% ng global economic output at 48% ng pandaigdig na kalakalan.

Salin: Jade
Pulido:Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>