|
||||||||
|
||
Buong sikap na susuportahan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang konstruksyon ng imprastruktura ng Asya-Pasipiko para mapasulong ang konektibidad at ang malawak at inklusibong paglaki ng kabuhayan ng rehiyon.
Ito ang ipinangako ni Jin Liqun, Presidente ng AIIB sa kanyang paglahok sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na idinaraos sa Da Nang, Vietnam.
Sinabi ni Jin na kasakuluyang buong-higpit na nakikipagtulungan ang AIIB sa World Bank (WB), Asian Development Bank (ADB) at iba pang katulad na organisasyong pinansyal para matugunan ang kakulangan sa pondo sa konstruksyon ng imprastruktura sa Asya-Pasipiko at buong mundo.
Aniya, hanggang sa kasalukuyan, 21 proyektong pampuhunang nagkakahalaga ng 3.49 bilyong US dollar ang naaprubahan ng AIIB, at ang Pilipinas at Indonesia at ibang miyembro ang beneficiary ng nasabing mga proyekto. Balak ng AIIB na pasimulan ang pamumuhunan sa imprastruktura ng Vietnam, punong-abala ng APEC Economic Leaders' Meeting sa taong ito, dagdag pa niya. Tentative
Ipinahayag din ni Jin na ang pulong ng APEC ay nagsisilbing magandang plataporma para mag-usap ang mga kalahok na lider hindi lamang sa konektibidad sa imprastruktura, kundi maging sa konektibidad na pampatakaran ng iba't ibang miyembro ng APEC.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |