|
||||||||
|
||
Da Nang, Vietnam—Napagkasunduan ng mga kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na magkakasamang itatag ang shared future ng mapayapa, matatag, masigla, inter-konektado at masaganang komunidad ng Asya-Pasipiko.
Ito ang nakasaad sa Deklarasyon ng kapipinid na Ika-25 APEC Economic Leaders' Meeting.
Inulit ng mga kasapi ng APEC ang suporta sa 2030 Agenda for Sustainable Development, bilang framework para sa inklusibong pag-unlad. Nakahanda silang pasulungin ang pagiging inklusibo ng kabuhayan, pinansya at lipunan para itatag ang inklusibo, accessible, sustenable, malusog at masiglang APEC community sa 2030.
Ipinagdiinan din nila ang masusing papel ng APEC sa pagsuporta sa pagkakaroon ng alituntunin, malaya, bukas, pantay, transparent at inklusibong multilateral na sistema ng kalakalan.
Nagpasiya rin ang mga kabuhayan ng APEC na pasiglahin ang potensyal ng Internet at digital economy. Ipinangako rin nilang suportahan ang micro, small and medium enterprise. Ibayo rin nilang pasusulungin ang food security at sustenableng agrikultura.
Magkakaisa rin ang mga kasapi ng APEC na itatag ang Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP) para ibayo pang pasulungin ang integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon.
Mahigit 2,000 lider ng estado, opisyal ng kalakalan, at mangangalakal na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang lumahok sa Ika-25 APEC Economic Leaders Meeting na idinaos Nobyembre 10-11 sa Vietnam.
Ang APEC ay itinatag noong 1989. Ito ang pinakamahalagang economic forum sa rehiyong Asya-Pasipiko na naglalayong suportahan ang sustenableng pag-unlad ng rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |