Vientiane, Laos-Nag-usap Nobyembre 13, 2017 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos.
Ipinahayag ng dalawang lider ang pag-asang mapapasulong pa ang pangmatagalang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, batay sa diwa ng mainam na kapitbansa, kaibigan, comrade, at partner. Ipinalalagay nilang ang pagtatatag ng estratehikong komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos ay angkop sa komong mithiin at interes ng dalawang partido, dalawang estado, at mga mamamayan nito. Positibo ang dalawang lider sa pinabilis na ugnayan ng "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina at ang estratehiya ng Laos na baguhin ang bansa mula sa pagiging "land-locked" country at gawing "land-linked" na bansa.
Nang araw ring iyon, magkasamang dinaluhan ng dalawang lider ang seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, gaya ng agrikultura, imprastruktura, pinansya, at iba pa.