Mula Oktubre 2 hanggang 3, 2017, pumunta sa Laos si Song Tao, espesyal na sugo ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, upang ipaalam ang tungkol sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon, Oktubre 2, kay Song, ipinahayag ni Bounngang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), na lubos na pinapupurihan ng panig Lao ang natamong dakilang tagumpay ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na walang humpay na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang partido.
Salin: Li Feng