Dumating ng Vientiane, Laos, Lunes, Nobyembre 13, 2017, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, upang pasimulan ang kanyang state visit sa Laos.
Sa kanyang nakasulat na talumpati sa paliparan, sinabi ni Xi na sa ngalan ng partido, pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot niya ang matapat na pakumusta at mainam na pagbati sa partido, pamahalaan at mga mamamayang Lao. Aniya, nitong 56 na taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, sumusulong nang sumusulong ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership. Ito ay hindi lamang nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi nakakapagbigay rin ng positibong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kasaganaang panrehiyon at pandaigdig, dagdag niya.
Ipinahayag ng pangulong Tsino ang pananalig na sa pamamagitan ng kanyang biyahe, tiyak na mapapasulong pa ang relasyong Sino-Lao at makakapagbigay ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng