Ipinahayag Miyerkules, Nobyembre 15, 2017 ni Ismail Abd Muttalib, Pangalawang Ministro ng Human Resource ng Malaysia, na noong nakaraang dalawang taon, lumaki ng 6.2% ang karaniwang kita ng bawat pamiliya ng bansang ito.
Sinabi pa niyang kahit lumaki ang kita ng mga pamilya, patuloy pa ring isasapubliko ng pamahalaan ang mga planong gaya ng bokasyonal na edukasyon at pagsasanay, para dagdagan ng kita ang mga mamamayan at palakasin ang kakayahan sa kompetisyon.
Dagdag pa niya, buong sikap na babawasan ng pamahalaan ang gastusin sa pamumuhay na gaya ng pagkontrol sa presyo ng mga paninda at pagkaloob ng subsidy.