|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Singapore ang Pulong ng Komisyong Pangkalakalan at Pampamumuhunan sa pagitan ng Singapore at probinsyang Sichuan ng Tsina. Ipinahayag ng kapwa panig na buong sikap na pasusulungin ang kanilang kooperasyon sa tatlong larangang gaya ng modernong industriyang pangserbisyo, modernong pamumuhay at modernong industriya ng paggawa.
Ipinahayag ni Ng Chee Meng, Presidente ng Komisyong Pangkalakalan at Pampamumuhunan ng Singapore, na mahigpit ang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Singapore at Tsina.
Ipinahayag naman ni Zhu Hexin, Presidente ng Komisyong Pangkalakalan at Pampamumuhunan ng Sichuan, na ang Singapore ay pinakamalaking bansang pinagmumulan ng pondong dayuhan ng Sichuan. Aniya pa, ang kooperasyon ng Singapore at Sichuan ay mahalagang bahagi ng kooperasyong panlabas ng Sichuan.
Dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan mula mahigit 10 bahay-kalakal ng Sichuan at mahigit 40 bahay-kalakal ng Singapore.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |