|
||||||||
|
||
Si Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina
Ipinahayag kamakailan ni Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina, na bukas na tinatanggap ng kanyang bansa ang pagpapatingkad ng Tsina ng mas malaking papel sa pagsasa-ayos sa buong daigdig.
Sinabi niya na nitong 30 taong nakalipas, natamo ng kabuhayang Tsino ang kapansin-pansing tagumpay. Aniya, noong isang taon, bagama't kinaharap ng Tsina ang presyur ng pagbaba ng kabuhayan, umabot pa rin sa 6.7% ang bahagdan ng paglaki nito.
Ani Leung, ang Singapore ay isa sa mga bansang pinakamaagang sumuporta sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Samantala, winiwelkam din aniya ng kanyang bansa ang inisyatiba ng "Belt and Road." Ang mga ito ay angkop sa napakalaking pangangailangan ng Asya sa mas marami at mabuting imprastruktura, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |