|
||||||||
|
||
SINABI ni Associate Director John Paulo Rivera ng Andrew L. Tan Center for Tourism ng Asian Institute of Management na magandang pagmulan ng salapi ang sektor ng turismo sapagkat nakaka-ambag ito ng mula 10 hanggang 12 % ng Gross Domestic Product.
Sa kanyang pagsasalita sa idinaos na Philippines-China Economic Forum kamakailan, malaking tulong ang pagdating ng mga turistang Tsino.
Hindi umano maihahambing sa manufacturing, ang turismo ay makapaglilikha ng hanapbuhay para sa iba't ibang may pinag-aralan at kakayahan.
Kahit pa umano mayroong kinikita mula sa foreign remittances, ang turismo ay makakatapat sa kita ng bansa ng hindi na mangangailnagan ng paglisan ng mga Filipino tungo sa ibang bansa.
Mahalaga ring masuri ang kakayahan ng mga turistang gumasta ng salapi samantalang nasa Pilipinas. Kabilang sa nangungunang 20 tourism markets, ang Taiwan ang may pinakamataas ng per capita expenditure sa nakalipas na tatlong buwan. Ang mga turista sa Taiwan ay gumagastos ng higit sa P 100 libo samantalang nasa Pilipinas.
Ang mga Tsino mula sa mainland ang pangalawa sa kanilang paggasta ng P 97,000. Gumagastos ang mga turista mula sa Malaysia ng P 88 libo. Ang mga Koreano ay gumagastos ng P 69 libo samantalang ang mga mula sa Singapore ay gumagastos ng P 54 libo.
Kung magkakatotoo ang isang milyong turistang Tsino na dadalaw sa bansa, makakagastos sila ng P 97 bilyon o US$ 2 bilyon na mapapadagdag sa ekonomiya ng Pilipinas, dagdag pa ni Director Rivera.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |