|
||||||||
|
||
NAPAG-USAPAN nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Pangulong Duterte ang isyu ng human rights.
Ito ang binanggit ni G. Trudeau sa isang press briefing sa International Media Center. Nag-usap sila bago sinimulan ang ASEAN-Canada 40th Anniversary Commemorative Summit.
Nabanggit din niya ang malapit na pagkakaibigan ng mga Canadian at mga Filipino.
Ayon kay G. Trudeau, binanggit niya ang karapatang pangtao, paggalang sa batas at ang extrajudicial killings bilang mga isyung pinahahalagahan ng kanyang bansa.
Hindi umano nararapat ikagulat ang isyung ito sapagkat pinahahalagahan ng kanyang pamahalaan ang paggalang sa batas at karapatang pangtao.
Naging maganda naman umano ang kanilang pag-uusap, dagdag pa ni G. Trudeau.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |