|
||||||||
|
||
20171115melo.mp3
|
Labing-apat na kasunduan, nilagdaan ng Tsina at Pilipinas
NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalaw ni Chinese Premier Li Keqiang. Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Duterte na ito ang unang pagkakataong dumalaw ang isang Premier ng China sa nakalipas na sampung taon.
Ang pagtitiwala sa isa't isa at "confidence-building measures" ang nakatulong sa pagpapasigla ng relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas.
Bago naganap ang pagpupulong, sinabi ni G. Duterte na paksa nila ang pagtutulungan sa larangan ng kalakal, pagsasaka, edukasyon, agham at teknolohiya at pagpapatalastasan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Paksa rin ang hinggil sa tanggulang pambansa, seguridad, maritime cooperation, law enforcement, transnational crime at mga paraan ng pagtutulungan ng dalawang bansa upang masugpo ang droga sa Tsina at sa Pilipinas.
Pinasalamatan niya si Premier Li at ang mga Tsino sa tulong na ipinarating sa kasagsagan ng digmaan sa Marawi City. Nagpasalamat din siya sa suporta ng Tsina sa Pilipinas sa pagiging chair ng ASEAN sa taong ito.
Lumagda sina Finance Secretary Carlos Dominguez at Vice Minister of Commerce Fu Ziying sa isang kasunduan hinggil sa Economic at Techical Cooperation.
Lumagda rin sila sa Memorandum of Understanding on Jointly Promoting on Second Basket of Key Infrastructure Projects Cooperation,
Nagkaroon din ng pagpapalitan ng mga mahahalagang dokumento sa proyekto hinggil sa dangerous drugs na nilagdaan nina Health Secretary Francisco Duque at Vice Minister Fu Ziying.
Nalagdaan na rin ang mga dokumento sa dalawang tulay na babagtas sa Pasig River na nilagdaan ni Public Works Secretary Mark A. Villar. Mayroon ding Memorandum of Understanding para sa Industrial Parks Development na nilagdaan si Trade Secretary Ramon Lopez.
Makaaasa na ang mga Filipino sa long-haul train sa kasunduan nina Secretary Arthur Tugade at Vice Minister of Commerce Fu Ziying.
Nakasama rin sa mga kasunduan ang pagbuo ng project list sa pagitan ng NEDA at National Development and Reform Commission ng Tsina sa pamamagitan nina Secretary Ernesto Pernia at Vice Chairman Zhang Yong.
Magtutulungan din ang Tsina at Pilipinas sa pagsugpo sa climate change, Defense Industry Cooperation, sa larangan ng intellectual property, pagtutulungan ng National Youth Commission at All-China Youth Federation, pagsusulong ng Chico River Pump Project at ang Republic of the Philippines 2017 Remnembi Bond Issuance Underwring Agreement.
Magtutulungan din ang Tsina at :Pilipinas sa pamamagitan ng Bases Conversion and Development Authority at China Development Bank.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |