Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nakalipas na ASEAN, pinaghandaan. Mga kasunduan, may katabangan

(GMT+08:00) 2017-11-21 14:25:31       CRI

MAKATITIYAK ang Pilipinas na matatanyag sa kakayahang maging punong-abala sa mga okasyong tulad ng 31st ASEAN Summit and Related Meetings. Ito ang binanggit nina dating Philippine Ambassador to Palau at Holy See Jose Apolinario Lozada at isa sa mga nagtatag ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa na si Commodore Rex Robles sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.

Naniniwala ang dalawa ng masusing dinaluhan ng mga nasa likod ng pagtitipon ang detalyes ng mga pagpupulong hanggang sa daloy ng mga pag-uusap. Binanggit ni Commodore Robles si dating Ambassador Marciano Paynor na siyang nangasiwa sa mga paghahanda.

Magandang napag-usapan ang mga isyung bumabalot sa South China Sea sa pamamgitan ng mga nakatakdang gawin upang magkalaman ang Code of Conduct ng mga bansang nasa paligid ng malawak na karagatan.

MAGANDA ANG MAKAKAMTAN NG PILIPINAS SA ASEAN.  Sinabi ni dating Ambassador Jose Apolinario Lozada na napaghandang mabuti ang nakalipas na 31st ASEAN Summit and Related Meetings.  Naniniwala siyang makikilala na naman ang Pilipinas sa matagumpay na pagdaraos ng ASEAN sa bansa. (Melo M. Acuna)

Sa panig nina Casey Salamanca ng IBON Foundation at Arman Hernando ng Migrante International, malabnaw ang mga napag-usapan tulad ng kasunduan hinggil sa mga manggawang na sa iba't ibang bansa.

Ayon kay G. Hernando, ni hindi nabanggit ang kalagayan ni Mary Jane Veloso na saklaw ng parusang kamatayan sa Indonesia kahit pa narito si Pangulong Widodo. Wala ring katuturan ang dokumento hinggil sa mga migranteng manggagwa sapagkat tanging mga manggagawang may angkop na dokumento ang mabibigyan ng tulong. Hindi rin maka-aasa ang mga manggagawa ng iba't ibang bansa sapagkat ang kasunduan ay "non-binding" o hindi mapipilit na ipatupad ng mga bansang kasama sa ASEAN.

KASUNDUAN SA PANGINGISDA, MAHALAG.  Naniniwala naman si dating Commodore Rex Robles na mas madding makapapasa ang kasunduan sa pangingisda sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.  Naniniwala din si dating Ambassador Lozada na mahalaga itong maganap upang makinabang ang nakararami sa mga mamamayan sa rehiyon.  (Melo M. Acuna)

Kahit pa umano may kasunduan ang mga bansa sa ASEAN, hindi naman sumasang-ayon ang mga pamahalaan sa nilalaman ng mga International Labor Organization conventions.

Ayon kay Bb. Salamanca, hindi rin naisulong ang mga agenda ng Pilipinas upang makatugon sa hamon ng industrialisasyon at paglaganap ng manufacturing.

Sa idinaos ding Tapatan sa Aristocrat, sang-ayon din sina dating Ambassador Lozada at Commodore Robles sa panukalang isulong ng bansa ang kasunduan hinggil sa pangingisda sa karagatan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Mas madali itong mapapag-usapan sapagkat walang bahid ng politika at malapit sa sikmura, tulad ng paniniwala ni UP Professor Dr. Clarita Carlos sa naunang panayam.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>