Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, nakinabang ng malaki sa pagiging punong-abala sa ASEAN

(GMT+08:00) 2017-11-21 14:22:25       CRI

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakinabang ang Pilipinas sa pagiging punong-abala sa ika-31 ASEAN Summit at Related Meetings na natapos noong nakalipas na linggo.

Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Secretary Roque na nagkaloob ang Estados Unidos ng US$ 14.3 milyon para sa pag-aayos ng Marawi City at US$ 2 milyon para sa programa laban sa droga.

Nagkaroon din ng 14 na kasunduang nalagdaan sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng ekonomiya, pagawaing-bayan, transportasyon, kapaligiran, intellectual property, national security at pananalapi.

Sa pagdalaw ni Prime Minister Shinzo Abe ng Japan, magpapa-utang ang bansang Hapon ng P 46 bilyon para sa unang bahagi ng Metro Manila subway. Magkakaroon din ng P 4 bilyon para sa pagkakaroon ng bagong lansangan sa Philippine-Japan Friendship Highway sa Plaridel, Bulacan.

Magkakaloob din ang Japan ng isang bilyong pisong halaga ng kagamitan at pangangailangan sa pagsugpo ng terorismo tulad ng mga coast-watch radar at pagsasaayos ng Marawi City.

Mula sa Russia, mayroong walong bilateral agreements sa larangan ng kriminalidad, extradition, energy, communication, edukasyon, intellectual property, audits at accounts.

Nagkaroon din ng kasunduan sa Canada na nagkakahalaga ng $ 17.8 milyon para sa sexual health at empowerment projects para sa kababaihan sa bansa.

May tatlong kasunduan din sa New Zealand sa larangan ng edukasyon, turismo at geothermal energy.

Ayon kay Atty. Roque, naisulong din ng Pilipinas ang Generalized System of Preference sa Estados Unidos at susuriin ang mga magaganap na pag-uusap sa larangan ng Philippines-US Free Trade Agreement.

Higit na makapapasok na rin ang mga saging mula sa Pilipinas sa Australia, Japan at South Korea.

Napag-usapan din ang paggawa ng mas murang gamot sa India at ang posibilidad na makapagtayo ng mga pagawaan ng gamot sa Pilipinas at pagtutulungan upang masugpo ang pamimirata sa Sulu sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Sinabi rin ni Secretary Roque na sa pag-uusap nina Pangulong Dutgerte at Premier Li ng Tsina, inialok ni G. Duterte sa Tsina na maghanda upang patakbuhin ang ikatlong telecom carrier sa bansa.

Kasunod ito ng paglagda ng Pilipinas sa isang kaalyado ng Facebook hinggil sa isang proyektong pinangalanang "Luzon Bypass" ng Pacific Light Cable Network na maglalaan ng badwidth na dalawang terabits sa bawat segundo. Katapatan ito ng kapasidad ng Smart at Globe.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>