|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-27 ng Nobyembre 2017, sa Jakarta, Indonesya, ang seremonya ng pagbubukas ng Porum ng Tsina at Indonesya hinggil sa Kooperasyon sa Inobasyong Pansiyensiya at Panteknolohiya.
Magkasamang ipinatalastas ng dalawang bansa ang pagsisimula ng kanilang plano ng aksyon hinggil sa nasabing kooperasyon mula taong 2018 hanggang 2020.
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina ang pag-asang, ang kooperasyon ng kanyang bansa at Indonesya sa nabanggit na larangan ay magdudulot ng bagong lakas sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng kapwa bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas, idinaos din ang inagurasyon ng Joint Lab on Biotechnology, na magkasamang itinaguyod ng Agency for the Assessment and Application of Technology ng Indonesya at Zhejiang University ng Tsina; Indonesia-China Technology Transfer Center, na naitatag ng Indonesian Institute of Sciences at China-ASEAN Technology Transfer Center; at Joint Lab on High Temperature Gas-cool Reactor sa pagitan ng National Nuclear Energy Agency ng Indonesya at Tsinghua University ng Tsina.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |