Jakarta, Indonesia—Lunes, Nobyembre 27, 2017, kinatagpo si Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina ng kanyang Indonesian counterpart na si Muhammad Jusuf Kalla.
Ipinahayag ni Liu na nitong nakalipas na ilang taon, mabilis na umunlad ang relasyong Sino-Indonesian, maraming beses na nagtagpo ang mga pangulo ng dalawang bansa, at narating ang isang serye ng mahalagang komong palagay tungkol sa pagpapaunlad ng relasyon ng kapuwa panig. Aniya, tiniyak sa ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina na patuloy na aayon ang Tsina sa diplomatikong relasyong pangkapitbansa at pangkaibigan, at patitingkarin ng pag-unlad ng Tsina ang mas malaking lakas-panulak para sa relasyong Sino-Indonesian. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Indonesia, na pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road, palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordina sa mga multilateral na suliranin, at magkasamang pangalagaan ang interes ng mga umuunlad na bansa.
Pinasalamatan naman ni Kalla ang pakikipagtulungan ng panig Tsino sa Indonesia sa pananaliksik ng pangangalaga sa giant panda. Umaasa siyang ibayo pang mapapasulong ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, edukasyon, siyensiya't teknolohiya, kultura, turismo at iba pa.
Salin: Vera