|
||||||||
|
||
Sa ulat na inilabas sa Paris, Pransya, Martes, Nobyembre 28, 2017, ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), itinaas nito ang taya sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon.
Ayon sa nasabing ulat, lalaki ng 3.6% ang kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon, at lalaki naman ng 3.7% ang kabuhayang pandaidig sa darating na 2018.
Bukod dito, itinaas din ng ulat ang taya sa paglaki ng kabuhayan ng mga maunlad na ekonomiya na gaya ng Amerika at Euro Zone sa kasalukuyan at susunod na taon. Samantala, ibinaba nito ang taya sa paglaki ng kabuhayan ng Hapon at Britanya sa taong 2017 at 2018.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni José Ángel Gurría Treviño, Pangkalahatang Kalihim ng OECD, na dapat patuloy na isagawa ng iba't-ibang bansa ang reporma upang mapalakas ang potensyal ng paglaki ng kanilang kabuhayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |