Ipinahayag Nobyembre 28, 2017 ni Cho Myoung-Gyon, Ministro ng Reunipikasyon ng Timog Korea, na ang pagsasakatuparan ng kapayapaan ay pangunahing target ng patakarang binalangkas ni Pangulong Moon Jae-in hinggil sa isyu ng Peninsula ng Korea. Aniya, ang sangsyong ipinapataw ng Timog Korea laban sa Hilagang Korea ay naglalayong ibalik ang huli sa landas ng diyalogo.
Sinabi ni Cho na ang nasabing patakaran ay kabilang sa mga hakbang upang malutas ang isyung nuklear at maitatag ang pangmatagalang kapayapaan ng Peninsula ng Korea. Dagdag pa niya, ito rin ay para sa sustenableng pag-unlad ng relasyon ng ROK at DPRK, at new economic community construction ng peninsula.