|
||||||||
|
||
KAPALIGIRAN, DAPAT MALINIS. Binigyang-diin ni Bb. Ma. Lourdes Reyes Sare ng NCMH na dapat malinis ang mga barangay at wala nang makakapasok na illegal drugs upang maiwasan ang relapse ng mga sumailalim sa community-based rehab,
IPINALIWANAG ni Bb. Maria Lourdes Reyes Sare, isang psychologist at administrative officer ng National Center for Mental Health na marapat lamang matiyak na walang kakalat na droga sa komunidad upang magpatuloy ang paggaling ng mga drug rehabilitation clients.
Dito mahalaga ang pagbabantay ng mga autoridad, ng mga pulis at maging mga tauhan ng barangay upang matiyak na walang mag-aalok ng droga sa mga nagbabagong-buhay.
Malaki ang papel ng komunidad sa pagkakaroon ng maayos na kalagayan ng mga mamamayan, dagdag pa ni Bb. Sare. Sa oras na magsama-sama ang mga magkakabarangay, makatitiyak ang mga nagbabagong-buhay na wala nang manunuksong bumalik sa pagdo-droga ang mga kabataan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |