Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Korte Suprema, sang-ayon sa paglahok ng mga mahistrado at kawani sa impeachment hearings

(GMT+08:00) 2017-11-30 17:46:13       CRI

PINAYAGAN ng Korte Suprema ang mga mahistrado at mga opisyal ng hukuman na dumalo sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa House of Rrepresentatives.

Sa idinaos na en banc session kanina, nagkaisa ang mga mahistrado na payagan ang kanilang mga kawani na humarap sa impeachment proceedings sa paanyaya ng House justice committee.

Hindi lumahok si Chief Justice Sereno sa pagtalakay sa usapin sapagkat siya ang sangkot sa impeachment proceedings.

Ayon kay Atty. Theodore Te, ang mga inanyayahang humarap sa pagdinig ay makadadalo kung nanaisin nila. Hindi sila inaatasan ng Hukuman subalit binibigyan ng clearance kung nanaisin nilang lumahok sa imbestigasyon at maging mga saksi sa House Committee on Justice at may kinalaman sa tatlong bagay.

Sa mga naging desisyon, ang mga bahay na may kinalaman sa desisyon sa mga usapin na kinabibilagan ng deliberation at tanging si Justice Teresita de Casto ang binasbasang humarap at maging sakdi sa House Committee on Justice.

May kalayaan si Justice de Castro na talakayin ang pagpapalitan ng mga liham sa paglalabas ng temporary restraining order sa usapin ng Senior Citizens party list sa pagitan ni Justice de Castro at ni Chief Justice Sereno.

Makapagsasalita rin siya hinggil sa mga merito ng desisyong kanyang nilagdaan na nadeklarang labag sa Saligang batas ang pagsasama-sama ng mga nominee na may kinalaman sa pagkabakante ng ilang posisyon sa Sandiganbayan.

May go-signal rin siya na banggitin ang mga isyu sa kanyang hiwalay na opinyon sa desisyong inilabas noong Agosto 2014 na nagpawalang saysay sa desisyon ng Judicial and Bar Council na huwag nang isama sa talaan ang pangalan ni noo'y Solicitor General Francis Jardeleza matapos ipagtanong ni Chief Justice Sereno ang katapatan o integridad ng napupusuang maging mahistrado.

Kabilang sa mga inanyayahan sina Justice de Castro at Noel Tijam, Court Administrator Midas Marquez, Clerk of Court Felipa Anama, Supreme Court Spokesman Theodore Te at chief judicial staff officer Charlotte Labayani.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>