Kremlin, Rusya—Miyerkules, Nobyembre 29 (local time), 2017, kinatagpo ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Li Keqiang, dumadalaw na Premyer ng Tsina.
Malugod na tinatanggap ni Putin ang pagdalo ni Li sa pulong ng mga punong ministro ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Ipinalalagay ng kapuwa panig na matatag na umuunlad ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya. Tuluy-tuloy na sumusulong ang kooperasyon nila sa mga tradisyonal na larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, enerhiya, abiyasyon, imprastruktura ng transportasyon, pasilidad ng production capacity, agrikultura at iba pa, at may progreso rin ang kooperasyon sa mga bagong larangang kinabibilangan ng digital economy, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at mga katam-taman at maliliit na bahay-kalakal. Nakahanda ang kapuwa panig na palakasin ang pag-uuganayan ng Belt and Road Initiative at Eurasian Economic Union, para maghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Nakahandang pahigpitin ng magkabilang panig ang kooperasyon sa loob ng mga multilateral na balangkas na gaya ng SCO, magkasamang pasulungin ang kooperasyong panrehiyon, at patingkarin ang konstruktibong puwersa para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Vera