Punong Himpilan ng United Nations (UN), New York—Miyerkules, ika-20 ng Setyembre, nangulo dito si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa di-regular na pulong ng mga ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sinabi ni Wang na nitong nakalipas na 16 na taon sapul nang itatag ang SCO, iginigiit ng mga kasaping bansa ang "Diwa ng Shanghai," at nagsilbing modelo ng bagong relasyong pandaigdig na may kooperasyon at win-win situation. Sa kasalukuyang taon, maalwang natapos ng SCO ang pagpapalawak ng mga kasapi, at naging pinakamalaking komprehensibong organisasyong panrehiyon sa daigdig. Aniya, dapat samantalahin ng mga kasaping bansa ang pagkakataong ito, upang mapasulong ang pagpapatingkad ng SCO ng mas malaking papel para sa pangangalaga sa kaligtasan at katatagan ng rehiyon, at pagpapasulong sa komong kaunlaran at kasaganaan.
Dagdag pa ni Wang, bilang unang tagapangulong bansa pagkaraang dagdagan ang kasapi ng SCO, pabibilisin ng Tsina ang gawaing preparatoryo para sa SCO Summit na gaganapin sa Tsina sa susunod na taon. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang kasaping bansa, na pasulungin ang maalwang pagdaraos ng nasabing summit, at patingkarin ang bagong lakas-panulak para sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng organisasyon.
Salin: Vera