Sa sidelines ng Astana Summit ng Shanghai Cooperation Organization(SCO), nag-usap kahapon, Hunyo 8, 2017 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang mapapalakas ang pagkakatigan at pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa larangan ng kani-kanilang nukleong interes, magkasamang pasusulungin ang konstruksyon sa ugnayan ng Belt and Road Initiative at Ligang Pangkabuhayan ng Asya at Europa, palalalimin ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig, at pahihigpitin ang pagtutulungan at koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag din ng Pangulong Tsino na bilang susunod na tagapangulong bansa ng SCO, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya at mga ibang kasapi ng SCO, para pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan, para isakatuparan ang bagong pag-unlad ng SCO. Ipinahayag naman ni Putin na sa kasalukuyan, masalimuot ang kalagayang pandaigdig. Umaasa aniya siyang mapapalakas ang pagpapalitan ng Tsina at Rusya, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at seguridad ng rehiyon at daigdig. Umaasa rin siyang magsisikap ang Tsina at Rusya, kasama ng ibat-ibang panig para palakasin ang pagkakaisa ng SCO. Ito aniya'y makakatulong sa pagganap ng SCO ng mas malahagang papel sa mga suliraning pandaigdig