|
||||||||
|
||
Guangzhou, Tsina-Ipininid Miyerkules, Nobyembre 29 ang dalawang-araw na 2017 Imperial Springs International Forum.
Batay sa temang "Pangangasiwa sa Daigdig at Mungkahi ng Tsina," 20 dating puno ng estado o pamahalaang dayuhan, at humigit-kumulang 100 dalubhasa mula sa loob at labas ng Tsina ang nagbahaginan ng kuru-kuro at mungkahi hinggil sa mga hamon, pagkakataon at katugong hakbangin kaugnay ng pangangasiwa sa daigdig. Tinalakay rin ng mga kalahok ang mga may kinalamang mungkahi ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa pakikipagtagpo sa nasabing mga panauhing dayuhan, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang diplomasya ng bansa sa bagong panahon ay pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng ibinabahaging kinabukasan o "community of shared future", kasama ng mga miyembro ng komunidad ng daigdig.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (ikawalo sa kaliwa, unang hanay), kasama ng mga panauhing dayuhan na lumahok sa 2017 Imperial Springs International Forum bago ganapin ang porum sa Beijing, kabisera ng China, Nov. 30, 2017. (Xinhua/Yao Dawei)
Sinabi ni Vaira Vike-Freiberga, kalahok na dating pangulo ng Latvia at kasalukuyang pangulo ng World Leadership Alliance-Club de Madrid, na tumitingkad ang papel ng Tsina sa daigdig at inaasahan ng komunidad ng daigdig ang paninindigan, mungkahi at talino ng Tsina sa iba't ibang usaping pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Yukio Hatoyama, dating punong ministro ng Hapon ang mainit na pagtanggap sa Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa magkakasamang pagpapasulong ng konektibidad ng komong kasaganaan ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |