Beijing, Tsina-- Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawan sa katatapos na Media Cooperation Forum on Belt and Road, ipinagdiinan ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina ang kahalagahan ng papel ng mga media Tsino at dayuhan sa pagpapasulong ng pagkaunawa ng mga tao hinggil sa Belt and Road Initiative at mga dulot nitong benepisyo. Ang nasabing inisyatiba na nagtatampok sa magkakasamang pagtatatag at pagsusulong ng komong kasaganaan ay pinaikling termino ng land-based na Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road. Iniharap ito ng Tsina noong 2013.
Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga media at think tank sa loob at labas ng bansa ang nasabing forum para mapalalim ang kanilang pagtutulungan at mapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan sa kahabaan ng Belt and Road.
Sinabi naman ng mga kinatawan ng media na angkop sa interes ng iba't ibang panig ang Belt and Road Initiative at mayroon itong malawak na prospek. Nakahanda anila silang mapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan para makalikha ng magandang kapaligiran para sa magkakasamang pagpapasulong ng nasabing inisyatiba para sa komong kaunlaran.
Si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli sa pakikipagtagpo sa katatapos na Media Cooperation Forum on Belt and Road na binuksan Setyembre 19, 2017 sa Gansu, lalawigan sa dakong kanluran ng Tsina, mahalagang lugar sa sinauna at bagong Silk Road na panlupa.
Salin: Jade
Pulido: Mac