|
||||||||
|
||
Sochi, Rusya — Dumalo Biyernes, Disyembre 1, 2017, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa 16th Prime Ministers' Meeting ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Premyer Li na nitong 16 na taong nakalipas sapul nang maitatag ang SCO, buong tatag na iginigiit ng mga kasaping bansa nito ang pagtitiwalaan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, paggalang sa iba't-ibang sibilisasyon, at paghahanap ng "Shanghai Spirit" na may komong kaunlaran. Aniya, sa SCO Summit sa Astana noong nagdaang Hunyo, narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at iba pang kalahok ang mahalagang komong palagay tungkol sa pagpapatibay ng pagkakaisa at pagtitiwalaan, pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad, pagpapalalim ng pagpapalitang pangkultura, at iba pa.
Upang mapatibay ang pagtitiwalaan, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon, at magkakasamang maitatag ang komunidad ng kapalaran ng mga bansa sa rehiyon, iniharap ng premyer Tsino ang anim (6) na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat likhain ang ligtas at matatag na kapaligirang panrehiyon; ikalawa, dapat pabilisin ang kooperasyon sa pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran; ikatlo, dapat pataasin ang lebel ng liberasyon at pagsasaginhawa ng kalakalan; ika-apat, dapat itatag ang maginhawa at mabilis na kayariang pangkomunikasyon; ikalima, dapat pasulungin ang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon at inobasyon; ika-anim, dapat patibayin ang tulay ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na ang pangangalaga sa katatagang panrehiyon at pagpapasulong ng kabuhayan ay angkop sa komong kapakanan ng iba't-ibang kasaping bansa ng SCO.
Ipinalabas nina Li at mga kalahok na lider ang magkakasanib na komunike.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |