Ipinahayag ngayong araw, ika-13 ng Oktubre, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy at aktibong lalahok ang Tsina sa mga gawain ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na isagawa, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, ang mga kooperasyon para rito.
Kaugnay ng pag-urong ng Amerika sa UNESCO, sinabi ni Hua na ang layunin ng UNESCO ay pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig sa edukasyon, siyensiya, at kultura para pangalagaan ang kapayapaang pandaigdig at magkasamang pag-unlad ng komunidad ng daigdig. Umaasa aniya siyang makapagbibigay ang mga bansa ng ambag para rito.