Sinimulan Disyembre 4, 2017 ng Timog Korea at Amerika ang magkasanib na ensayong militar. Ang code name ng ensayong ito ay "Vigilant Ace."
Ayon sa ulat mula sa Timog Korea, bilang isang pinakamalawak na ensayong panghimpapawid ng Timog Korea at Amerika, 230 eroplano at 12,000 sundalo ang ipinadala ng dalawang panig.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministri ng Reunipikasyon ng Timog Korea na ito ay isang regular na ensayong pandepensa. Umaasa aniya ang Timog Korea na magsisikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para malutas ang isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, sa pamamagitan ng mapayapang paraan.