ULAN BATOR, Mongolia--Sinimulan kahapon ang magkasanib na ensayong pamapaya na may code name na Khaan Quest 2015. Sa kauna-unahang pagkakataon, sumali sa pagsasanay-pamayapang ito ang Tsina.
Mahigit 1,200 sundalo mula sa 23 bansa na gaya ng Pilipinas, Amerika, India, Pransya, Timog Korea, Hapon, at Kanada ang kalahok sa ensayo. Tatagal ito hanggang unang araw ng Hulyo.
Ayon sa Ministri ng Tanggulang-bansa, ang ensayo ay naglalayong pahigpitin ang pagtutulungang pandaigdig sa pagtupad sa mga misyong pamayapa ng United Nations (UN).
Salin: Jade