Ipinatalastas Disyembre 7, 2017, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos ang Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (IMC) sa Lunsod ng Dali, Lalawigang Yunnan, Tsina.
Lalahok sa pulong ang mga Ministrong Panlabas sa kahabaan ng Lancang-Mekong na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam. Magkasamang mangungulo sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Prak Sokhonn, Senior Minister and Minister of Foreign Affairs and International Cooperation ng Kambodya.
salin:Lele