Idaraos ang Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) sa ika-15 ng Disyembre, 2017, sa Lunsod ng Dali, Lalawigang Yunnan, Tsina.
Tungkol dito, ipinatalastas Disyembre 7, 2017, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang kapitbansa at tunay na partner ng ibang 5 bansa sa paligid ng Mekong River, sinusunod ng Tsina ang patakarang diplomatiko sa mga kapitbansa na inklusibo, may pagkakaibigan, katapatan, at mutuwal na kapakinapangan. Nakahanda aniyang pasulungin ng Tsina ang konstruksyon ng komunidad ng mga bansang kasapi ng Lancang-Mekong Cooperation, at ito ay magiging isang modelo ng pagtatatag ng community of shared future for mankind.
salin:Lele