TUMANGGI si dating Health Secretary Janette Garin na isang midnight deal ang ginawa ng kanyang tanggapan sa pagbili ng P 3.5 bilyong bakuna mula sa kumpanyang Pranses, ang Sanofi Pasteur.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Dr. Garin na sinunod nila ang procurement process. Nagsimula umano ang pag-uusap noong 2010 at nasundan noong 2012.
Sinabi ni Garin na ang Philippine Children's Medical Center ang may kinalaman sa pagbili ng mga bakuna. Ipinagtataka lamang kung bakit nakapaglabas ang isang ospital ng P 3.5 bilyon kung walang basbas ng mga nakatataas.