Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kontrobersya sa bakuna laban sa dengue, sumidhi

(GMT+08:00) 2017-12-05 11:18:10       CRI

NANAWAGAN si Buhay Party List Congressman Jose L. Atienza, Jr. na nararapat managot si dating Health Secretary Janette Garin sa pagkakaroon ng kontrobersyal na bakunang binili sa halagang P 3.5 bilyon mula sa Sanofi-Pasteur.

DATING SECRETARY GARIN DAPAT MAPIIT.  Ito ang panawagan ni party List Congressman Jose L. Atienza, Jr. sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.  Hindi umano nararapat pabayaan ang kalagayan ng may 700,000 kabataang nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Congressman Atienza na noon pa man ay ipinagtatanong na nila ang kasunduang pinasok ng pamahalaan ng Pilipinas at ng banyagang kumpanya na Nagbibili ng bakunang Dengvaxia.

KADUDA-DUDA ANG TRANSAKSYON>  Sinabi ni Dr. Anthony Leachon, isang health advocate na nagdududa siya sa kasunduang pinasok ng pamahalaan at Sanofi hinggil sa bakung nagkakahalaga ng P 3.5 bilyon.

Ipinagtatanong din ni Dr. Antonio Leachon, isang independent director ng Philhealth kung anong mekanismo ang ginamit ng Food and Drug Administration sa pagpapasa ng bakunang hindi pa nakapapasa at hindi pa natatanggap ng iba't ibang bansa.

 HINDI LAMANG DENGUE ANG KAILANGAN NG BAKUNA.  Sinabi ni Dr. Minerva Calimag na mas maraming nakamamatay na karamdamang dapat daluhan kaysa dengue. Isang dating pangulo ng Philippine Medical Association, sinabi ni Dr. Calimag na ibayong pagsusuri ang kailangan at mabantayan din ang mga båtäng nabakunahan upang maiwasan ang komplikasyon.

Sa panig naman ni Dr. Minerva Calimag, dating pangulo ng Philippine Medical Association, marapat lamang na matiyak na ang mga bakunang gagamitin sa Pilipinas ay matagal nang nasuri at nasubukan.

Iginiit ni Congressman Atienza na hindi makalulusot ang insidenteng kinasasangkutan ng higit sa 700,000 mga bata na nanganganib ang buhay. Salapi umano ng bayan ang ginamit sa pagbili ng bakuna. Ipatatawag ng Kongreso si dating Secretary Garin sa isang imbestigasyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>