|
||||||||
|
||
Binuksan ngayong araw, Huwebes, ika-14 ng Disyembre, 2017 sa Dali, Yunnan Province ang Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Kalahok sa tatlong araw na pulong ang mga ministrong panlabas mula sa anim na kasaping bansa ng LMC.
Layon ng pulong na lagumin ang pag-unlad ng LMC at maghanda para sa Ikalawang Summit ng LMC na gaganapin sa Kambodya sa susunod na taon.
Ang LMC ay bagong uri ng sub-rehiyonal na platapormang pangkooperasyon na binubuo ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong. Itinatag ito noong Marso, 2016 kung saan idinaos ang Unang Summit ng LMC sa Sanya, Hainan Province, Tsina. Ang LMC ay mahalagang bahagi rin ng panlahat na pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kabilang sa tatlong "pillar" ng LMC ay seguridad na pampulitika, ekonomiko at sustenableng pag-unlad, at pag-unlad na panlipunan at people-to-people exchanges. Ang limang larangan ng priyoridad nito ay sumasaklaw sa konektibidad, production capacity, transborder na kabuhayan, yamang-tubig, agrikultura, at pagpapahupa ng kahirapan.
Ang LMC ay binubuo ng anim na bansa sa kahaban ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga mamamayang Tsino sa itatas na bahagi ng Mekong.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |